Hindi ka pwedeng mag-ingay. Hindi ka pwedeng manood ng TV. Hindi ka pwedeng maglaro. Dapat nakaupo ka lang sa sulok at tatayo o gagalaw ka lang kapag inutusan ka. Bawal ang PSP. Bawal ang lahat ng gusto mong gawin. Naranasan mo ba ‘to nung bata ka? Ako hindi. Mga pamangkin ko, paminsan-minsan. Exaggerated lang nang konti pero parang ganyan ang pakiramdam ng mga pamangkin ko kapag andyan ang Ate Iyang ko, ang paborito nilang tita.

Sa pagkakaalala ko, mahigpit na ang ate ko sa mga pamangkin ko mula pa nung batang-bata pa si Rasc, ang pinakamatanda sa kanila. Hanggang ngayon na Grade 4 na si Rasc, ganun pa rin siya. Wala nang magagawa ang mga pamangkin ko sa bagay na ‘to. Ang tangi na lang nilang magagawa ay ang maghiganti sa pamamagitan ng anak ni ate. Naaalala ko rin na noong hindi pa nagkaka-anak si ate, sinasabi na nila na sa magiging pinsan na lang nila sila babawi.

Anim na buwang gulang na ang anak ni ate, malapit na ang inyong panahon aking mga pamangkin. Hahaha. Pero hindi ko naiisip na naaalala niyo pang gumanti. Sa tingin ko, gustong-gusto niyo sa bago ninyiong pinsan. Paano ba naman? Kung ganito ka-cute ang baby, maiisipan mo ba ng masama?

This slideshow requires JavaScript.

Hindi ito isang paalala sa mga pamangkin ko, kundi isang warning para sa’yo Jure. Kung ayaw mong matikman ang bangis ng paghihiganti, stay as cute as you are now. You’ll always be safe, and that’s for sure. :D

Ang katotohanan: Ginawa ko to para makapagpost lang. Mahal namin ang isa’t-isa sa aming pamilya. Masyado lang atang violent ang imagination ko kaya ganito ang mga isinusulat ko.

May nakita akong update sa Facebook kung saan nag-comment si Kuya Nono, RA namin sa Kalayaan Dorm na naging small group leader ko rin, sa isang picture na naka-tag siya. Nakuha ang attensyon ko nung nakita ko ang title nung album na kung nasaan yung picture na ‘yun – “Kalayaan Residence Hall Pasalubong Fest 2005.”  Binuksan ko agad yung album kasi isa ang pasalubong fest sa pinakamasayang event sa Kalayaan. Buti na lang hindi private yung album. Sobrang nostalgic tinititigan ko pa lang yung mga picture na thumbnail lang ang size. Tapos tinignan ko isa-isa hanggang sa nakarating ako sa picture na ‘to.

Ako yung nasa dulong kanan! Wait…what? Bakit hindi ko naaalala ‘to? Bakit ako nakadamit magsasaka at may hawak na gitara? Ako ba talaga yan? Baka kamukha ko lang yan. Kaya tinignan ko pa yung ibang pictures. Tapos…

Omay! Ako nga. :| Manang Biday ang “tinutugtog” namin diyan. Sigurado akong kunwari lang ang pagtugtog na ‘to dahil hindi ako marunong mag-gitara! Bakit ko ginawa ‘yun? At bakit hindi ko maalala?

Siguro nga hindi lang mga alaala nung tayoy mga bata pa ang nakakalimutan natin. Kung may childhood amnesia tayong tinatawag, siguro ay meron ding embarassment amnesia. Gumagawa tayo ng mga nakakahiyang bagay tapos binabaon na lang sa limot. Ang hirap sa panahon ngayon, masyadong maraming pwedeng maging paraan para maalala mo ang isang bagay na gusto mo nang kalimutan. Haha. Walang ibang meaning ‘yan pero pwede ring meron. LOL.

Ang Kalayaan Residence Hall Pasalubong Fest ay nangyayari tuwing unang linggo pagkatapos ng Christmas break. Ginugrupo ang mga residente ayon sa rehiyon na kanilang pinanggalingan at bawat rehiyon ay inaasahang magdala ng mga produktong galing sa kani-kaniyang lugar. Masayang masaya ang event na ‘to kasi parang nalibot mo ang Pilipinas sa iilang oras lang. Heto nga pala kaming mga galing sa Region I.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.