Childhood. More fun in the Philippines

January 16, 2012

Noong lumabas ang “It’s more fun in the Philippines” na slogan at nagsipag-post ang mga tao sa internet ng kani-kanilang dahilan kung bakit mas masaya nga sa Pilipinas, naisipan ko ring gumawa ng akin. Ang problema lang e lahat ng naisip ko, naisip na rin ng iba. Halos dalawang linggo na ang nakakaraan at wala pa rin akong naiisip na bago. Hanggang sa may pumasok na tanong sa isip ko kagabi. “Ano ba sa tingin mo ang dahilan kung bakit ka sang-ayon sa It’s more fun in the Philippines na yan?” Mabilis ko lang nasagot ang tanong na ‘to – ang aking childhood. Isa ako sa mga mapapalad na bata na nakapaglaro sa labas ng aming bahay ng mga larong tunay na tatak Pilipino. Sa mga larong ito ako unang napilay, nasugatan at namatayan ng kuko pero sa mga laro ring ito ako nagkaroon ng mga kaibigan; dito ako unang natuto ng teamwork at kung paano makisama sa iba. Sa mga larong ito ako unang nakipag-away sa ibang bata pero dito rin sa mga larong ito ako unang natutong tumanggap ng pagkatalo. Kung hindi ko nalaro ang mga larong ito, marahil matagal ko nang kinalimutan ang aking pagkabata.

So ito na nga ang mga nagawa kong meme mula sa mga larong nalaro ko nung bata ako. Hindi masyadong sakto yung mga salita sa mismong picture pero kung nalaro mo na rin ang mga ‘to, sa tingin ko ay magegets mo rin ang ibig kong sabihin. Kunwari witty ang lines para naman hindi masabing hindi pinag-isipan. Hahaha. Sa mga nagmamay-ari ng mga picture na nakuha ko lang sa internet, salamat! :D

This slideshow requires JavaScript.

Advertisement

2 Responses to “Childhood. More fun in the Philippines”

  1. James said

    Bat ka nagpalit ng layout? Paki-update ng URL ko at paki-follow na rin. Hehehe

  2. danielbatoiv said

    kasi aayusin ko sana. tapos biglang hindi ko na magalaw widgets ko tapos tinamad na ako. haha. binalik ko na lang sa dati.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.