It’s more fun if you cooperate

January 8, 2012

This slideshow requires JavaScript.

Naging meme na ang ‘more fun in the Philippines’ ngayon na pinasimulan ng Department of Tourism. Andaming nagkalat at sobra akong natutuwa dahil bukod sa nakikita kong maganda talaga ang bansa ko, e nakita ko ang wit at humor ng mga kababayan ko. Iniisip ko nga ring gumawa ng sarili kong version pero wala pa akong maisip sa ngayon.

Akala ko yung lang ang mga makikita ko. Pilipinas nga pala ‘to. Marami-rami na rin pala ang mga nagkalat na pagtutuligsa sa kampanyang ito ng DOT. May mga nagsasabing ginaya lang daw ito mula sa isang tourism ad ng Switzerland nung 1951. Meron din namang mas maganda pa yung WOW Philipinnes na sinasang-ayunan ko rin naman. Hehe. Meron ding namang mga kontra lang talaga at nagsasabing meron pang pwedeng ibang bagay na maisip na mas maganda.

Sobrang nakakainis lang na may mga taong nagpo-post ng mga bagay sa internet para tuligsain ang mga ganitong kampanya gayung wala naman silang nadudulot na maganda para sa bayan. Haha. Ang exagged ng reaction ko pero yun talaga ang pumasok sa isip ko at gusto kong sabihin. Kung nagtatrabaho ka, sure nagbabayad ka ng tax pero sino ka para husgahan ang mga taga-DOT na parang mas magaling ka sa ginagawa nila? Kung sa tingin mo e mas magaling ka, bakit di ka mag-resign sa trabaho mo at mamasukan sa DOT at dun mo ipakita ang galing mo? Maraming mga isinasakripisyo ang mga nagtatrabaho sa gobyerno para lang makapagbigay ng serbisyo sa publiko at makapagsilbi sa bayan. Isa na dun ang malaking sweldo ng mga nagrereklamong nagtatrabaho sa mga pribadong kumpanya.

Mas maganda ang ‘WOW Philippines’ na slogan pero ano pa ang point ng pagsabi nito? Kapag ibinalik ang WOW Philippines, magiging ganun rin ba ang pagha-hype na gagawin ng mga tao sa internet? Paano ka gagawa ng mga catchy at napapanahong tagline para mas maakit ang mga turista? Naisip na ng DOT yan at sa tingin ko ay mas effective ang ‘more fun in the Philipinnes’ na kitang-kita naman.

Kung ginaya man natin ang mga Swiss, nakakalungkot lang. Pero naniniwala akong hindi. Ginaya man o hindi, aminin nating mas masaya talaga ang lahat ng bagay dito sa Pilipinas. Nasa puso at isip yan ng mga Pilipino kaya nga mabilis ang pagkalat ng mga kanya-kanyang version ang mga tao. Angkinin natin ang slogan na ‘to kasi totoo naman.

Sa ganda ng bansa natin, nagawa pa rin ng ibang mga bansa na lampasan tayo in terms of tourism. Baka hindi dahil sa inefficient na kampanya ng DOT, baka dahil sa mga taong hindi sumusuporta laging kumukontra dito.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.