Sinong Dan?
August 26, 2010
Isa na ata to sa pinakamabigat na problemang nakaaharap ko sa buhay – kailangan kong magpalit ng palayaw!!!
Nalipat ang project namin sa isang grupo ng mga project na ang executive na namumuno ay nagngangalang Dan. Ugh! Ang malala pa dun, Math Major siya galing UP Diliman. Ako ba siya? Huhu. At dahil malapit siya sa area namin, di na ako pwedeng tawaging Dan sa office. Tsk tsk.
Pero sa totoo lang, madaming madamiĀ na pala akong mga palayaw. Nung bata ako, Busoy ang tawag sa akin. Hanggang sa naging Dan-yel nung elementary at hayskul. Bato, Bats, Dan, Daen-yel nung college. Ano ba naman kung magbabago pa ako ng palayaw ng isang beses pa? Ano nga ba naman ang isa pa ulit?
Nakakastress naman! haha
Advertisement
totoy bato!
dalawang bagay ang nkkta ko:
Wow the4th! Sa executive ka na?? Congrats!
Or my iba tlagang daniel?
Ibalik ang Bato! =)
Rumpelstiltskin!