Sinong Dan?

August 26, 2010

Isa na ata to sa pinakamabigat na problemang nakaaharap ko sa buhay – kailangan kong magpalit ng palayaw!!!

Nalipat ang project namin sa isang grupo ng mga project na ang executive na namumuno ay nagngangalang Dan. Ugh! Ang malala pa dun, Math Major siya galing UP Diliman. Ako ba siya? Huhu. At dahil malapit siya sa area namin, di na ako pwedeng tawaging Dan sa office. Tsk tsk.

Pero sa totoo lang, madaming madami  na pala akong mga palayaw. Nung bata ako, Busoy ang tawag sa akin. Hanggang sa naging Dan-yel nung elementary at hayskul. Bato, Bats, Dan, Daen-yel nung college. Ano ba naman kung magbabago pa ako ng palayaw ng isang beses pa? Ano nga ba naman ang isa pa ulit?

Nakakastress naman! haha

22

August 10, 2010

Kapag magbebertday ka na in less than an hour at may blog ka, ang pinakamalamang na iisipin mong gawin ay magsulat. Kasabay nun ay ang pag iisip ng kung ano ang issulat mo. Wish list? Meron na. Sa katunayan, madaming madami pa ring items sa wish list ko na makikita rin sa site na ‘to ang wish pa rin hanggang ngayon. 22 na taong naging parte na buhay ko? Mahirap gawin at nakakatamad. E kung 22 na realizations in life? Jologs at mas mahirap.

Wala na lang main topic para pwedeng magpakarandom. Ang totoo nyan, gusto ko lang magsulat ng kahit ano para may mapost akong link sa facebook nang sa gayun, malaman ng mga tao na birthday ko. Papansin kasi ako e. Nyahaha.

Unang random na bagay: Ayoko sa number na 22. Para kasing di magandang tignan. Napakacommon kasi ng number na 2 tapos dinoble pa. Buti na lang di ako magiging 222 kahit kelan. Gusto kong number yung mukhang random din. Dapat prime parang 23. Though mas nagiging di na random yung number kapag pinili mo lang ay mga prime kasi di ka na nagpakarandom in the sense na prime nga yung pinili mo. Mahirap nga naman magsabi ng random prime number kasi maaring di siya prime.

Pangalawang random na bagay: Hindi ako nararapat sa mga bagay na meron ako ngayon. Pamilya, mga kaibigan, trabaho, at lahat na. Sino ako para magkaroon ng mga magagandang mga bagay na ‘to? Cliche na kung cliche pero lagi kong nararamdaman to kapag dumarating bertday ko. Yun lang. Lilipas din ‘to. LOL

Pangatlong random na bagay: Hindi ko balak maglista ng 22 random thoughts or what. Gusto ko lang panindigan ang pagiging random kong tao. Ano nga ba ang ibig sabihin ng pagiging isang random na tao? Wow! Pang apat na yun. Haha

Panglimang random na bagay: Naalala ko lang yung isang emo na entry sa ko lately lang. Sobrang self-seeking at parang akong may konting inferiority complex na hinaluan ng superiority complex. Sa tingin ko di ko totoong sarili ang nagsulat nun. Yung selfish kong sarili yun. O baka nga yun ang totoo kong sarili…Huhu

OK. Nakakasawa na magtype ng word na random kaya titigilan ko na ang pagbibilang.

Ilang linggo after ko i-post yung emo blog na yun, andaming mga commendation at mga nakakaflatter pang mga bagay ang nakuha ko. Sa katunayan, pwedeng pwede na ako magyabang at magsabi na magaling naman talaga ako. Pero lalo ko lang naalala ang mga sinulat ko. Dahil dun, nalaman kong di ako yun kundi si God. Ang galing Niya kasi pinaisip muna Niya sa akin na wala akong kakayahan bago Niya ako bigyan ng mga bagay na nakukuha lamang ng mga magagaling para di ako makapagmalaki, na di ako ang magaling kundi Siya. I was created to give, not to receive glory sabi nga sa EN10.

Tapos pupunta na naman sa tanong na “Am I glorifying God?” – Di palagi. Gusto ko palagi pero ayun. Alam kong walang valid na excuse pero ayun nga. Haha

Muntik na nga pala ako mamatay  two weeks ako. Limang araw ng sick leave, 6 needle marks, di mabilang na gamot na tinurok sa akin, di rin mabilang na gamot na ininom at iinumin pa, 9 lbs na bawas sa timbang, isang endoscopy, heartburn, stomach ulcers at madami pang kung anu-anong bagay for the last two weeks ang naexperince ko. Di pa raw ako kukunin ni Lord. Si Angel naghihintay pa. Nyahaha

Ang haba na pala nito. Sobra na para sa pagpapapansin. Nyehehe.

Di pa pala maayos tong blog site ko. Tsk tsk. Nakakatamad kasi mag ayos. :D

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.