Protected: Sankeo?
January 23, 2012
Childhood. More fun in the Philippines
January 16, 2012
Noong lumabas ang “It’s more fun in the Philippines” na slogan at nagsipag-post ang mga tao sa internet ng kani-kanilang dahilan kung bakit mas masaya nga sa Pilipinas, naisipan ko ring gumawa ng akin. Ang problema lang e lahat ng naisip ko, naisip na rin ng iba. Halos dalawang linggo na ang nakakaraan at wala pa rin akong naiisip na bago. Hanggang sa may pumasok na tanong sa isip ko kagabi. “Ano ba sa tingin mo ang dahilan kung bakit ka sang-ayon sa It’s more fun in the Philippines na yan?” Mabilis ko lang nasagot ang tanong na ‘to – ang aking childhood. Isa ako sa mga mapapalad na bata na nakapaglaro sa labas ng aming bahay ng mga larong tunay na tatak Pilipino. Sa mga larong ito ako unang napilay, nasugatan at namatayan ng kuko pero sa mga laro ring ito ako nagkaroon ng mga kaibigan; dito ako unang natuto ng teamwork at kung paano makisama sa iba. Sa mga larong ito ako unang nakipag-away sa ibang bata pero dito rin sa mga larong ito ako unang natutong tumanggap ng pagkatalo. Kung hindi ko nalaro ang mga larong ito, marahil matagal ko nang kinalimutan ang aking pagkabata.
So ito na nga ang mga nagawa kong meme mula sa mga larong nalaro ko nung bata ako. Hindi masyadong sakto yung mga salita sa mismong picture pero kung nalaro mo na rin ang mga ‘to, sa tingin ko ay magegets mo rin ang ibig kong sabihin. Kunwari witty ang lines para naman hindi masabing hindi pinag-isipan. Hahaha. Sa mga nagmamay-ari ng mga picture na nakuha ko lang sa internet, salamat!
This slideshow requires JavaScript.
Feelingerong Frog. :))
January 13, 2012
It’s more fun if you cooperate
January 8, 2012
This slideshow requires JavaScript.
Naging meme na ang ‘more fun in the Philippines’ ngayon na pinasimulan ng Department of Tourism. Andaming nagkalat at sobra akong natutuwa dahil bukod sa nakikita kong maganda talaga ang bansa ko, e nakita ko ang wit at humor ng mga kababayan ko. Iniisip ko nga ring gumawa ng sarili kong version pero wala pa akong maisip sa ngayon.
Akala ko yung lang ang mga makikita ko. Pilipinas nga pala ‘to. Marami-rami na rin pala ang mga nagkalat na pagtutuligsa sa kampanyang ito ng DOT. May mga nagsasabing ginaya lang daw ito mula sa isang tourism ad ng Switzerland nung 1951. Meron din namang mas maganda pa yung WOW Philipinnes na sinasang-ayunan ko rin naman. Hehe. Meron ding namang mga kontra lang talaga at nagsasabing meron pang pwedeng ibang bagay na maisip na mas maganda.
Sobrang nakakainis lang na may mga taong nagpo-post ng mga bagay sa internet para tuligsain ang mga ganitong kampanya gayung wala naman silang nadudulot na maganda para sa bayan. Haha. Ang exagged ng reaction ko pero yun talaga ang pumasok sa isip ko at gusto kong sabihin. Kung nagtatrabaho ka, sure nagbabayad ka ng tax pero sino ka para husgahan ang mga taga-DOT na parang mas magaling ka sa ginagawa nila? Kung sa tingin mo e mas magaling ka, bakit di ka mag-resign sa trabaho mo at mamasukan sa DOT at dun mo ipakita ang galing mo? Maraming mga isinasakripisyo ang mga nagtatrabaho sa gobyerno para lang makapagbigay ng serbisyo sa publiko at makapagsilbi sa bayan. Isa na dun ang malaking sweldo ng mga nagrereklamong nagtatrabaho sa mga pribadong kumpanya.
Mas maganda ang ‘WOW Philippines’ na slogan pero ano pa ang point ng pagsabi nito? Kapag ibinalik ang WOW Philippines, magiging ganun rin ba ang pagha-hype na gagawin ng mga tao sa internet? Paano ka gagawa ng mga catchy at napapanahong tagline para mas maakit ang mga turista? Naisip na ng DOT yan at sa tingin ko ay mas effective ang ‘more fun in the Philipinnes’ na kitang-kita naman.
Kung ginaya man natin ang mga Swiss, nakakalungkot lang. Pero naniniwala akong hindi. Ginaya man o hindi, aminin nating mas masaya talaga ang lahat ng bagay dito sa Pilipinas. Nasa puso at isip yan ng mga Pilipino kaya nga mabilis ang pagkalat ng mga kanya-kanyang version ang mga tao. Angkinin natin ang slogan na ‘to kasi totoo naman.
Sa ganda ng bansa natin, nagawa pa rin ng ibang mga bansa na lampasan tayo in terms of tourism. Baka hindi dahil sa inefficient na kampanya ng DOT, baka dahil sa mga taong hindi sumusuporta laging kumukontra dito.
Nakakain ko na kasi ang sarili kong baon.
January 7, 2012
Taong 1995. Grade 2 ako. Normal na umaga. Kain, ligo, pasok ng school. Tapos ang pinakakinakatakutan kong oras sa araw na ‘yon – recess. Lalapitan na naman niya kasi kami at magkukwento ng mga bagay na hindi ko inakalang totoo hanggang naging Grade 4 ako.
“Oi alam niyo ba? Kinausap na naman ako ng ninang ko kagabi. May mga sasaktan daw siya sa pamilya namin kapag hindi ko siya binigyan ng pagkain.” Kilala namin ang ninang niya. Isang dwende sabi niya. At kami naman dahil sa pag-aalala, ibibigay namin laht ng baon namin sa kanya, pagkain man o pera. Tapos, buo na ang araw namin. Parang wala nang kwenta ang mga nangyari pa sa buong araw na ‘yon.
Tapos umaga na ulit. Tapos “Oi alam niyo ba? natuwa ang ninang ko. Kaya hindi na niya sasaktan ang pamilya ko. Pero may problema, mga kaibigan ko naman daw ang isusunod niya.”
Tapos umaga na ulit. Tapos “Natuwa ang ninang ko. Pagkatapos naming mag-usap, nakita ko si Jesus. Dinala niya ako sa moon. Gusto niyo bang pumunta sa moon?” Tapos antagal bago mag-umaga. Tinitigan ko lang kasi buong gabi ang buwan. Gusto kong makapunta dun. Sabi ng kaklase ko, nag-iwan daw sila ng marka ng taong nagba-bike sa moon na pwedeng makita mula sa mundo. At nakita ko nga ang markang sinasabi niya. Sana umaga na ulit.
Tapos umaga na ulit. Tapos “Alam niyo ba ang sinabi sa akin ni Jesus? Magugunaw na raw ang mundo kaya magsisi na kayo sa mga kasalanan niyo. Mag-sorry kayo sa mga magulang niyo at sa mga kapatid niyo na nagawan niyo ng kasalanan.” Pano na ang buwaaaan?!?!?! Gusto kong pumunta sa buwan! “Mahihiwalay na raw tayo sa mga pamilya natin at baka hindi na natin sila ulit makita” Ok, umiyak na lang kami. Hindi dahil hindi na kami makakapunta ng buwan, kundi dahil sa mga bago niyang mga sinabi. Malungkot ako pag-uwi at buong gabing nag-aalala.
Tapos umaga na ulit. Tapos “Pwede raw hindi magunaw ang mundo.”
Tapos umaga na ulit. Tapos maraming maraming umaga. Nakakgutom. Tapos isang araw, bigla na lang wala na siyang kwento kaya meron ulit kaming baon. Ang hindi ko lang alam ay kung bakit namin siya pinipilit na magkwento pa kahit sinasabi niyang hindi niya nakita ang ninang niya kagabi o kaya hindi niya nakausap si Jesus. Hanggang sa nagsawa na rin kami. Pero wala ni isa sa amin ang nagtangkang isipin na hindi totoo ang mga kwento niya sa amin.
Hanggang sa nagka-isip na kami. Tinawanan na lang namin ang lahat pero hindi namin siya inaway. Baka dahil takot pa rin kami sa ninang niya. Haha. Hindi, mabait lang kami na nagpakatanga. Hindi, mga bata pa kasi kami.
Sa totoo lang, kinalimutan ko na ang mga nangyari noon. Kasalanan na naman niya kung bakit ko naalala. Ngayon lang, nkita ko na in-add niya ako sa facebook. “hi classmate musta na? 2mataba tayo ha” Na-LOL na lang ako nang bigla akong sumagot sa isip ko. “Nakakain ko na kasi ang sarili kong baon.”
Protected: Kunwari Pa-deep. Sarap Sapakin.
December 18, 2011
Sinong Dan?
August 26, 2010
Isa na ata to sa pinakamabigat na problemang nakaaharap ko sa buhay – kailangan kong magpalit ng palayaw!!!
Nalipat ang project namin sa isang grupo ng mga project na ang executive na namumuno ay nagngangalang Dan. Ugh! Ang malala pa dun, Math Major siya galing UP Diliman. Ako ba siya? Huhu. At dahil malapit siya sa area namin, di na ako pwedeng tawaging Dan sa office. Tsk tsk.
Pero sa totoo lang, madaming madami na pala akong mga palayaw. Nung bata ako, Busoy ang tawag sa akin. Hanggang sa naging Dan-yel nung elementary at hayskul. Bato, Bats, Dan, Daen-yel nung college. Ano ba naman kung magbabago pa ako ng palayaw ng isang beses pa? Ano nga ba naman ang isa pa ulit?
Nakakastress naman! haha
22
August 10, 2010
Kapag magbebertday ka na in less than an hour at may blog ka, ang pinakamalamang na iisipin mong gawin ay magsulat. Kasabay nun ay ang pag iisip ng kung ano ang issulat mo. Wish list? Meron na. Sa katunayan, madaming madami pa ring items sa wish list ko na makikita rin sa site na ‘to ang wish pa rin hanggang ngayon. 22 na taong naging parte na buhay ko? Mahirap gawin at nakakatamad. E kung 22 na realizations in life? Jologs at mas mahirap.
Wala na lang main topic para pwedeng magpakarandom. Ang totoo nyan, gusto ko lang magsulat ng kahit ano para may mapost akong link sa facebook nang sa gayun, malaman ng mga tao na birthday ko. Papansin kasi ako e. Nyahaha.
Unang random na bagay: Ayoko sa number na 22. Para kasing di magandang tignan. Napakacommon kasi ng number na 2 tapos dinoble pa. Buti na lang di ako magiging 222 kahit kelan. Gusto kong number yung mukhang random din. Dapat prime parang 23. Though mas nagiging di na random yung number kapag pinili mo lang ay mga prime kasi di ka na nagpakarandom in the sense na prime nga yung pinili mo. Mahirap nga naman magsabi ng random prime number kasi maaring di siya prime.
Pangalawang random na bagay: Hindi ako nararapat sa mga bagay na meron ako ngayon. Pamilya, mga kaibigan, trabaho, at lahat na. Sino ako para magkaroon ng mga magagandang mga bagay na ‘to? Cliche na kung cliche pero lagi kong nararamdaman to kapag dumarating bertday ko. Yun lang. Lilipas din ‘to. LOL
Pangatlong random na bagay: Hindi ko balak maglista ng 22 random thoughts or what. Gusto ko lang panindigan ang pagiging random kong tao. Ano nga ba ang ibig sabihin ng pagiging isang random na tao? Wow! Pang apat na yun. Haha
Panglimang random na bagay: Naalala ko lang yung isang emo na entry sa ko lately lang. Sobrang self-seeking at parang akong may konting inferiority complex na hinaluan ng superiority complex. Sa tingin ko di ko totoong sarili ang nagsulat nun. Yung selfish kong sarili yun. O baka nga yun ang totoo kong sarili…Huhu
OK. Nakakasawa na magtype ng word na random kaya titigilan ko na ang pagbibilang.
Ilang linggo after ko i-post yung emo blog na yun, andaming mga commendation at mga nakakaflatter pang mga bagay ang nakuha ko. Sa katunayan, pwedeng pwede na ako magyabang at magsabi na magaling naman talaga ako. Pero lalo ko lang naalala ang mga sinulat ko. Dahil dun, nalaman kong di ako yun kundi si God. Ang galing Niya kasi pinaisip muna Niya sa akin na wala akong kakayahan bago Niya ako bigyan ng mga bagay na nakukuha lamang ng mga magagaling para di ako makapagmalaki, na di ako ang magaling kundi Siya. I was created to give, not to receive glory sabi nga sa EN10.
Tapos pupunta na naman sa tanong na “Am I glorifying God?” – Di palagi. Gusto ko palagi pero ayun. Alam kong walang valid na excuse pero ayun nga. Haha
Muntik na nga pala ako mamatay two weeks ako. Limang araw ng sick leave, 6 needle marks, di mabilang na gamot na tinurok sa akin, di rin mabilang na gamot na ininom at iinumin pa, 9 lbs na bawas sa timbang, isang endoscopy, heartburn, stomach ulcers at madami pang kung anu-anong bagay for the last two weeks ang naexperince ko. Di pa raw ako kukunin ni Lord. Si Angel naghihintay pa. Nyahaha
Ang haba na pala nito. Sobra na para sa pagpapapansin. Nyehehe.
Di pa pala maayos tong blog site ko. Tsk tsk. Nakakatamad kasi mag ayos.
Yun naman tayo e!
July 21, 2010
Excited?
July 2, 2010
Kagaya ng blog entry na to na excited magpapost kahit di pa naayos ang blog site ko, excited din ako.
Kahapon may email na nag-iinvite ng mga tao sa kumpanya na pumunta sa isang talk na ika-conduct ng MIT sa Shang sa EDSA. Tinignan ko yung date – July 19, 2010. Tinignan ko kalendaryo ko sa cube ko – Sabado ang 19. Dali-dali akong nag-register kasi iniisip kong may food na iseserve. Tapos lalo akong naexcite nung registered na ako. Nagkwento-kwento pa ako dito sa office na nagregister ako ganun. Tapos niyayabang ko na makakakain ako ng food sa Shang. Haha.
Kaninang hapon, may isa akong officemate na tinanong ako tungkol dun sa talk. Gusto raw niya magregister. Isa kasi siya sa major concerns nung talk. Parang aaward-an siya dun dahil sa isang achievement niya. Ang ikinagulat ko, angtanong siya kung pwede daw ba i-charge yung oras na magagamit sa talk na yun bilang work hours. Sabi ko “E diba Sabado naman yan?” Sabi niya “Lunes kaya.” Err! June pa pala nasa kalendaryo ko. Ayun, sobrang nahiya ako. Bilang di naman ako yung pinaka-main target ng talk na yun ako pa yung pinakaunang nagregister tapos Lunes pa yun kaya kailangan magpaalam pa ako sa manager at lead ko.
Nilakasan ko na lang ang loob kong magpaalam sa lead at manger ko. Buti na lang pumayag. Pero sobrang nakakahiya. Haha.

